Habagat na pinalakas ng bagyo sa labas ng PAR patuloy na magdadala ng ulan

Nakataas ang yellow rainfall warning sa mga lalawigan ng Zambales at Bataan.

Ito ay dahil sa umiiral na southwest monsoon o hanging habagat na pinalakas pa ng isang bagyo na namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa abiso ng PAGASA kaninang alas-11 ng gabi, binabalaan ang mga residente sa mabababang lugar na mag-ingat sa posibleng mga pagbaha.

Mararanasan ang mahina hanggang sa katamtaman na paminsan ay mabigat na pag-ulan o thunderstorm sa mga probinsya ng Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, at Batangas na tatagal ng 3 oras.

Mahina hanggang sa katamtamang ulan naman ang inaasahan sa buong Metro Manila, at mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Rizal, at hilagang bahagi ng Quezon.

Sunod na maglalabas ang PAGASA ng weather update mamayang alas-2 ng madaling araw.

Read more...