2 pelikulang Pilipino pasok din sa Shanghai International Film Festival

Nadagdagan ng dalawa pang pelikulang Pilipino ang pasok sa ika-21 Shanghai International Film Festival na magaganap sa June 16 hanggang 25.

Ito ay ang mga pelikulang ‘I’m Drunk, I Love You’ ni JP Habac, at ‘Smaller and Smaller Circles’ ni Raya Martin.

Nauna nang inanunsyo na kasama sa nasabing international film fest ang mga pelikulang ‘Neomanila’ ni Mikhail Red, ‘Respeto’ ni Treb Monteras II, at ‘Nervous Translation’ ni Shireen Seno.

Ipapalabas ang ‘I’m Drunk, I Love You’ bukas, June 16 hanggang 17; habang mas mahaba naman ang screentime ng ‘Smaller and Smaller Circles’ na ipapalabas sa June 16, 17, 19, 21, at 23.

Layunin ng Shanghai International Film Festival na himukin ang mga batang filmmakers na ipagpatuloy ang pagpapalawig ng industriya ng pelikula.

Read more...