Orange Rainfall Warning nakataas sa Zambales at Bataan

Patuloy na uulanin ang ilang bahagi ng Luzon bunsod ng southwest monsoon o hanging habagat na pinalalakas ngayon ng Bagyong Ester.

Sa 2am weather advisory ng PAGASA, itinaas ang Orange Rainfall Warning sa Zambales at Bataan kung saan ibinabala ang pagbaha.

Yellow Warning naman ang nakataas sa Pampanga kung saan posible ang pagbaha sa mga mabababang lugar.

Makararanas ng mahihina hanggang sa katamtaman na may paminsan-minsan ay malalakas na buhos ng pag-uulan ang Tarlac, Nueva Ecija at Bulacan na maaaring tumagal ng tatlong oras.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko at disaster risk reduction and management councils na manatiling nakaantabay sa lagay ng panahon at alamin ang susunod na advisory na ilalabas ngayong alas-5 ng umaga.

Read more...