Inaasahang magtatagal pa hanggang Biyernes sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Lando.
Huling namataan ang bagyo sa Santa Fe, Nueva Vizcaya habang patuloy ang mabagal nitong pagkilos patungong Cordillera at Ilocos.
May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 150 kph at pagbugso na 185 kph.
Inaasahang kikilos ito pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 5 kph.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal no. 3 sa Nueva Ecija, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, Ifugao,Mountain Province, Kalinga,Ilocos Sur, La Union,Pangasinan at Zambales.
Signal no. 2 naman sa Cagayan kasama na ang Calayan at Babuyan Islands, Isabela, Aurora, Abra, Apayao, Ilocos Norte, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, Northern Quezon kabilang na ang Polilio Island at Metro Manila.
Samantala signal no. 1 naman sa Batanes, Cavite, Laguna, Batangas at iba pang bahagi ng Quezon.