Ito ay para sa preliminary investigation kaugnay sa inihain ni Villarin na reklamong pagnanakaw ng cellphone laban kay Paras.
Batay sa subpoena na pirmado ni Senior Assistant City Prosecutor Rodrigo del Rosario, pinahaharap sina Villarin at Paras sa mga pagdinig na may petsang July 02, 2018 at July 16, 2018, sa oras alas-nuebe ng umaga sa Justice Cecilia Munoz Palma Hall, Department of Justice Building, sa may Quezon City Hall.
Sa akusasyon ni Villarin, ninakaw daw ni Paras ang kanyang iPhone 10 na cellphone sa kasagsagan ng isang hearing sa Kamara noong Marso.
Sa tulong ng CCTV, nabatid na si Paras nga ang dumampot ng celllphone ni Villarin. Nakita rin sa CCTV na iniwan lamang ni Paras ang cellphone ni Villarin sa isa pang hearing room sa Batasan Complex.
Hinala ni Villarin, sinadyang nakawin ang kanyang cellphone upang makakuha ng impormasyon si Paras, pero nabigo ito.