Sa pahayag, iginiit ni Trillanes na walang kabuluhan ang kaso at layon lang aniya ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilihis ang atensyon ng publiko mula sa mga negatibong isyung kinahaharap ng gobyerno.
Giit ng senador sa isinagawang pagdinig sa Senado ukol sa P6.4 billion shabu smuggling case na pumutok sa mukha ng Bureau of Customs, idinawit nito si Paolo Duterte sa iskandalo.
Ayon kay Trillanes nakapag-prisinta naman siya ng mga ebidensiya na mag-uugnay kay Paolo Duterte sa mga nasasangkot sa naturang iskandalo.
Pagdidiin pa nito na ginagamit ng administrasyon ang hudikatura laban sa kanilang mga kritiko.
Una nang sinabi ni Paolo Duterte na kakasuhan niya si Trillanes dahil sa mga malisyosong bintang at pahayag nito laban sa kaniya.