Ang nasabing artikulo ay naglalaman ng pag-aaral at buong analysis ng long-term clinical data hinggil sa Dengvaxia vaccine na nauna nang ibinahagi at inaunsyo ng Sanofi Pasteur noong Nobyembre.
Sa pag-aaral lumitaw na ang Dengvaxia ay proteksyon sa mga taong dinapuan na ng sakit na dengue, pero hindi inirerekomenda ang pagbibigay nito sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue infection.
Sa pahayag nan aka-post sa website ng Sanofi, sinabi nitong isinapubliko New England Journal of Medicine ang pag-aaral para mabigyang pagkakataon ang publiko na magkaroon ng access sa kabuuan nito.
Kinumpirma sa nasabing pag-aaral na ang potensyal na maiwasan ang dengue kapag naturukan ng Dengvaxia ay 84% para sa mga dati nang nagka-dengue.
Nakasaad din sap ag-aaral ang posibilidad na magkaroon ng severe dengue ang sinomang mababakunahan ng dengvaxia kung siya ay hindi pa nagkakaroon ng nasabing impeksyon.
Ang naturang pag-aaaral ay inilabas ng Sano Pasteur noong November 2017 na nagbunsod para imbestigahan ng Public Attorney’s Office ang sunud-sunod na pagkasawi ng mga batang nakatanggap ng bakuna.