Pilipinas hindi pa rice-sufficient sa 2020 — Pangulong Duterte

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na magiging rice-sufficient ang Pilipinas pagdating ng 2020.

Ito ay taliwas sa naunang pahayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Piñol na pagsapit ng taong 2020 ay magiging sapat na ang supply ng bigas sa bansa.

Sa paglagda sa memorandum of agreement ng Commission on Higher Education (CHEd) at mga state colleges and universities sa Malacañan, sinabi ng pangulo na sa mga susunod na taon ay kakailanganin ng bansa na patuloy na mag-angkat ng bigas.

Aniya, hindi siya naniniwalang magiging rice-sufficient ang bansa.

Dagdag ng pangulo, kwento lamang ang naging pahayag ni Piñol.

Matatandaang naaprubahan na ni Pangulong Duterte ang pag-aangkat ng 250,000 metriko toneladang bigas mula Vietnam at Thailand.

Read more...