Pilipinas walang balak na maghain ng bagong kaso laban sa China dahil sa nasirang coral reef sa Scarborough Shoal

Hindi na maghahain pa ng panibagong kaso ang Pilipinas laban sa China dahil sa mga sinirang coral reef sa Scarborough Shoal.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi magiging maganda ang resulta sa diplomatic relations ng Pilipinas at China ang paghahain ng panibagong kaso.

Sa halip na magsamapa ng kaso, sinabi nito na maaari na lamang pag-usapan ang naturang isyu sa bilateral consultation mechanism na bahagi naman ng maritime environmetnal protection.

Iginiit pa ni roque na nagpapatuloy naman ang pag-uusap ng Pilipinas at China patungkol sa environmental issues at committed naman aniya ang dalawang mga bansa na protektahan at pangalagaan ang kalikasan.

Naniniwala aniya ang administrasyon sa diplomasya at nakita naman ng lahat ang magandang resulta ng maayos na pakikipagusap ng Pilipinas sa China.

Read more...