Walang nakikitang masama ang Palasyo ng Malacañan sa pagdalo ni Chinese ambassador to the Philippines Zhao Xinhua sa ika-120 anibersaryo ng kalayaan sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, lahat naman ng mga nasa diplomatic core ay iniimbitahan sa flag raising sa Araw ng Kalayaan.
May ipinadala aniyang pormal na imbitasyon ang gobyerno kay Zhao.
Una rito, sinabi ni opposition senator Risa Hontiveros na insensitive ang ginawang pagdalo ni Zhao sa Araw ng Kalayaan gayung may ulat na nang-harass ang Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal.
MOST READ
LATEST STORIES