Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukala para sa pagkakaroon “Tourism Stamps” upang mai-promote ang mga tourist destinations sa bansa.
Sa botong 230 Yes at 0 No, nakapasa ang House Bill 7510 o ang Philippine Tourism Stamps Act.
Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) na mag-print ng mga postage stamps kung saan tampok ang mga atraksyon at pasyalan sa Pilipinas.
Ang PHLPost, katuwang ang Department of Tourism (DOT) at Tourism Promotion Board (TPB) ay siya namang tutukoy, gagawa ng illustration at labeling sa mga tourist destinations na ilalagay sa mga stamp.
Nakasaad din sa panukala ang paglalagay ng mga posters at promotional material sa mga strategic places sa bansa at sa abroad para mai-promote ang Pilipinas bilang world-class tourism destination.