Trump pinasalamatan si Kim

Matapos ang makasaysayang summit, pinasalamatan ni US President Donald Trump si North Korean Leader Kim Jong Un.

Sa kaniyang mensahe na ipinost sa Twitter, sinabi ni Trump na nagpapasalamat siya kay Kim sa pagbibigay-daan para sa mas magandang kinabukasan sa mga mamamayan ng NoKor.

Ani Trump ang kanilang ‘unprecedented meeting’ na kauna-unahan para sa American President at lider ng North Korea ay patunay na posible talagang maisulong ang tunay na pagbabago.

Sinabi ni Trump na walang limitasyon ang kakayaning maabot ng NoKor kung tuluyang isusuko nito ang kanilang nuclear weapons at sa halip ay harapin at buksan ang oportunidad para sa commerce at engagement sa buong mundo.

Ani Trump, na kay Kim ang lahat ng pagkakataon ngayon para siya ay maalala bilang North Korean leader na nagkaloob ng makabago at magandang era ng seguridad at kasaganahan para sa kaniyang mga mamamayan.

Read more...