Inimbitahan ni North Korean leader Kim Jong Un si US President Donald Trump na bisitahin ang Pyongyang.
Ginawa ni Kim ang imbitasyon kay Trump sa kanilang makasaysayang summit na ginanap kahapon sa Singapore.
Sinabi umano ni Kim kay Trump na maaring gawin ng US President ang pagbisita sa North Korea kung kailan convinient para sa kaniya.
Sa ulat ng state media ng North Korea, bukas din si Kim sa posibilidad na makabisita siya sa Estados Unidos sa susunod na panahon.
Tinanggap naman ni Trump ang imbitasyon at kapwa nagpahayag ang dalawang lider na mahalagang okasyon kung makakabisita sila sa kani-kanilang mga lugar para mas mapaigting pa ang relasyon ng North Korea at Estados Unidos.
MOST READ
LATEST STORIES