Heavy rainfall warning, nakataas pa rin sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at ilang lugar sa Luzon.

Base sa 8:00 AM weather advisory ng PAGASA, nanatili ang pag-iral ng orange rainfall warning sa lalawigan ng Cavite.

Umiiral naman ang yellow warning sa Metro Manila, Bataan, Zambales at Batangas.

Ito ay bunsod pa rin ng patuloy na nararanasang pag-ulan dulot ng Southeast Monsoon o habagat.

Samantala, inaasahan ang mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Bulacan, Pampanga, Rizal at Laguna sa loob ng tatlong oras.

Nagpaalala rin ang naturang weather bureau sa publiko sa posibleng pagbaha sa mababang lugar. /

Read more...