Halos 50,000 pasahero nakinabang sa libreng sakay ng MRT-3 kahapon

Umabot sa halos 50,000 mga pasahero ang nakinabang sa libreng sakay ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) kahapon, Araw ng Kalayaan.

Ayon sa MRT-3, sa kabuuan, umabot sa 49,115 ang mga pasaherong nakapag-avail ng libreng sakay.

Ang libreng sakay ng MRT kahapon ay ipinagkaloob sa mga pasahero bilang pakikiisa sa paggunita ng bansa sa ika-120 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Samantala, sa kabuuan ng biyahe kahapon ng MRT-3 umabot sa 139,236 na mga pasahero ang naserbisyuhan ng tren.

Nakapagtala naman kahapon ng isang unloading incident makaraang may isang tren na magka-aberya sa bahagi ng Guadalupe station.

Read more...