Malaking bahagi ng Luzon, patuloy na makararanas ng monsoon rains

Patuloy na mararanasan ang katamtaman hanggang paminsan-minsan ay may malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA patuloy na uulanin ang Batanes at Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas pati na ang Metro Manila bunsod ng monsoon rains o ulang dala ng hanging Habagat.

Samantala, sa Bicol Region naman ay fair weather o magandang panahon ang mararanasan at posible lamang ang pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.

Magandang panahon naman ang aasahan sa Visayas at Mindanao liban na lamang sa mga pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.

Nakataas ang gale warning sa buong Northern Luzon, eastern and western seaboards ng Central Luzon hanggang sa southern seaboard ng Southern Luzon.

Pinaiiwas ang mga mangingisdang may maliliit na sasakyang pandagat sa pamamalaot.

Read more...