Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa Luzon

Nananatiling nakataas ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at sa mga kalapit nitong lalawigan sa Luzon.

Base sa rainfall advisory na inilabas ng PAGASA alas 5:00 ng umaga, umiiral ang orange rainfall warning sa Bataan, Cavite at Batangas.

Nakararanas ng malakas at tuloy-tuloy na buhos ng ulan ang nasabing mga lalawigan dahil sa epekto ng Habagat.

Habang yellow warning pa rin ang umiiral sa Metro Manila at Zambales.

Binalaan ng PAGASA ang mga residente sa mga lugar na may nakataas na heavy rainfall warning sa posibilidad na pagbaha.

Samantala, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Bulacan, Pampanga, Rizal, Laguna at Quezon.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 8:00 ng umaga.

Read more...