Nagtaas ng yellow rainfall warning ang PAGASA mula kaninang alas-2 ng madaling araw sa mga lalawigan ng Bataan, Cavite at Batangas.
Dahil dito, ibinabala ang pagbaha lalo na sa mga mabababang lugar.
Inaasahan din ang mahina hanggang sa katamtaman na may minsan ay malalakas nap ag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Rizal, Laguna at Quezon na maaaring tumagal sa loob ng tatlong oras.
Inabisuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa lagay ng panahon at alamin ang susunod na advisory ng weather bureau ngayong umaga.
MOST READ
LATEST STORIES