Ayon Kay Philippine Coast Guard Spokesperson, Lt. Commander Armand Balilo, inaalam na nila kung sino ang may-ari ng tugboat na ang pangalan ay Many plus 1 at ang barge na AZ Shanghai.
Sakay ng tug-boat ang sampung mga tripulante na inaalam na rin ng PCG ang mga pagkakakilanlan.
Nabatid na sumadsad sa Manila Bay ang tug-boat at barge matapos hampasin ng malalaking alon.
Halos dalawampung Metro lamang ang layo ng pinagsadsaran ng mga naturang sasakyang pandagat mula sa baywalk sa Roxas Blvd. sa Maynila.
MOST READ
LATEST STORIES