Bahagyang humina ang lakas nito mula sa 175kph ay 150kph na lamang ayon sa 11-AM bulletin ng PAGASA ngunit may pagbugso pa rin itong aabot sa 185/kph.
Ang dating bilis ng pag-usad ng bagyong Lando na nasa 3-kilometers per hour ay bumilis ng bahagya sa 5-kilometers kada oras.
West-northwest ang direksiyon ng bagyong Lando patingin sa direksiyon ng Cordillera.
Ibinaba na sa Public Storm Signal No. 3 ang Aurora province kung saan nag-landfall ang bagyong Lando. Kasama din sa Signal No. 3 ang Nueva Vizcaya, Benguet, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, La Union at Pangasinan.
Nasa Public Storm Signal No.2 naman ang Cagayan kabilang na ang Calayan at Babuyan Group of Islands, Isabela, Abra, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, Northern Quezon, kabilang na ang Polillo Island at Metro Manila.
Nasa Signal No. 1 naman ang Batanes, Cavite, Laguna, Batangas, at nalalabi pang bahagi ng Quezon Province.
Magiging malakas ang ulan sa Central at Northern Luzon hanggang sa Miyerkules ayon sa PAGASA.