Positibo ang naging pagtanggap ni Sen. Gringo Honasan sa naging makasaysayang pulong sa pagitan nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong-un sa Singapore.
Masaya anya siya para sa pangyayari ito na magdadala ng radikal na pagbabago sa aspetong geo-political at panseguridad hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong mundo.
Anya magiging modelo ito sa iba pang lugar na may alitan.
Iginiit ni Honasan na kung nagtagpo ang US at North Korea sa negotiating table ay maaari itong maging halimbawa sa iba tulad na lamang ng isyu sa West Philippine Sea.
Samantala, naniniwala rin si Senate President Tito Sotto na ang naganap na pulong sa pagitan ng dalawang lider ay magdudulot ng kapayapaan sa buong mundo.
Makahulugan anya ang naging pagkakamay at pag-uusap nina Kim at Trump para sa sangkatauhan.