Inanunsyo ng PAGASA na posibleng sa araw pa ng Huwebes makakaranas ng magandang panahon sa buong Metro Manila.
Ayon kay weather specialist Aldczar Aurelio, magiging maulan pa ang National Capital Region (NCR) hanggang ngayong araw, bunsod na rin ng umiiral na Habagat.
Sa ngayon, bagaman inalis na ng weather bureau sa yellow rainfall warning level ang NCR pero nakakaranas pa rin ng mahihina hanggang sa malalakas na ulan at isolated thunderstorms ang malaking bahagi ng Kalakhang Maynila.
Kasama pa sa mga lugar na inuulan ang Ilocos Region, mga probinsya ng Benguet, Zambales, Bataan, Rizal, Cavite, at Batangas.
Dahil dito, pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente na nakatira sa mga mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha at4 pagguho ng lupa dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Patuloy naman ang monitoring ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), partikular sa mga lugar na madalas na bahain.