Walang halaga sa paningin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buhay ng mga taong pumapatay sa kapwa o ang mga nasa gun for hire.
Sa talumpati ng pangulo sa ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite, sinabi nito na mas mabuti nang magkapangrakahan.
“If you go into the business of killing Filipinos, then ang tingin ko sa iyo, walang balor. Mas mabuti ‘yang magkaprangkahan tayo,” ani Pangulong Duterte.
Agad namang humingi ng paumanhin ang pangulo kay Imus Bishop Reynaldo Evangeista na naroon din sa pagtitipon.
Ayon sa pangulo, yayariin din niya maging ang mga nasa iligal na droga.
Muling iginiit ng pangulo na hindi niya hahayaan na masira ang kinabuksan ng mga kabataan dahil lamang sa iligal na droga.
MOST READ
LATEST STORIES