Mga kawani ng barangay gustong bigyan ng baril ni Pangulong Duterte

Kinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga barangay officials sa bansa.

Sa talumpati ng pangulo sa oath taking ng mahigit 3,000 bagong opisyal ng barangay sa Clark, Pampanga, sinabi niya na ito ay para magampanan ng mga barangay officials ang kanilang tungkulin na labanan ang kriminalidad at iligal na droga.

Ayon sa pangulo, kukunsultahin muna niya ang mga pulis at ang intelligence community kung maaaring armasan ang mga barangay officials.

Tiniyak pa ng pangulo na sasagutin niya ang mga barangay officials na makakasuhan habang tumutupad sa kanilang tungkulin.

Ayon sa pangulo, gaya ng mga pulis at mga sundalo, hindi niya hahayaan na makulong ang mga barangay officials na tumutupad lamang sa kanilang tungkulin.

Read more...