CBCP hindi sangayon sa panukalang bigyan ng armas ang mga pari

Kasunod ng ikatlong pamamaslang sa isang pari sa Nueva Ecija ay nagpahayag ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi siya sangayon sa panukalang bigyan ng armas ang mga pari upang maprotektahan ang kanilang sarili.

Ayon kay CBCP Public Affairs Executive Director, Father Jerome Secillano, magpapatuloy lamang ang cycle of violence kung aarmasan ang mga pari.

Aniya, hindi nais ng CBCP na masangkot ang kanilang mga pari sa pagpapalaganap ng karahasan.

Ani Father Secillano, imbes na bigyan ng mga armas ang pari ay dapat na paigtingin ng mga pulis ang pagpapanatili ng kapayapaan at pagpapatupad sa mga batas.

Dagdag pa nito maging ang mga pari ay dapag mag-ingat sa kanilang pagbibigay ng homilya sa misa upang hindi aksidenteng makapanakit ng damdamin ng iba.

Read more...