Hinimok ni Kabayan Representative Ron Salo ang pamahalaan na palakasin ang exports ng bansa sa Halal-certified food products.
Ayon kay Salo, bukod sa petroleum products na nakukuha mula sa Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) countries ay dapat gawing advantage ng bansa ang pagpalalakas sa Halal exports para mapalawak ang kalakalan sa mga bansa sa Gitnang Silangang Asya.
Sinabi nito na dapat na magkaroon ng certification offices at agencies sa Luzon, Visayas, at Mindanao at hindi lamang sa Maynila, para mapalakas ang Halal industry.
Sa datos ng Department of Trade and Industry (DTI), aabot sa $3.2 trillion ang global size market ng Halal products na malaking tulong sa bansa kung mapapalakas ang nasabing industriya.
Nais din nito na i-harmonize at i-update ang Halal standards na itinatakda ng National Commission on Muslim Filipinos, DTI, Department of Agriculture (DA), at Food and Drug Administration (FDA).