Dead on the spot ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos manlaban sa mga otoridad sa Barangay Lolomboy, Bocaue, Bulacan.
Kinilala ang nasawing suspek na si Mindro Omania alyas Potchi.
Ayon sa Bocaue Municipal Police, sa kalagitnaan ng operasyon ay natunugan ni Omania na pulis pala ang kanyang katransaksyon, dahilan upang maglabas ito ng baril at paputukan ang mga operatiba.
Walang nagawa ang mga otoridad kundi gumanti ng putok na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.
Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang hindi lisensyadong kalibre 38 baril at limang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P10,000.
MOST READ
LATEST STORIES