DOLE nagpalabas ng advisory sa mga magtatrabaho sa June 12 at 15.

Inquirer file photo

Nagpalabas ng pay rules ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga manggagawa na papasok sa trabaho, ngayong araw, June 12, Araw ng Kalayaan at sa Biyernes, June 15, Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan na parehong idineklarang regular holiday.

Sa Labor Advisory na pirmado ni Labor acting Secretary Ciriaco Lagunzad, iiral ang mga sumusunod na pay rules sa nabanggit na mga petsa.

– Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, tatanggap pa rin siya ng 100 percent ng kanyang sweldo;

– kung pumasok naman ang manggagawa, 200-percent ng kanyang regular na sahod ang tatanggapin ng empleyado para sa unang walong oras ng trabaho;

– kapag nag-overtime naman, tatanggap ang mga empleyado ng dagdag na 30 percent ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw;

– kapag nagkataon namang rest day ng manggagawa, tatanggap siya ng dagdag na 30 percent ng 200 percent ng kanyang daily rate;

– kapag natyempo namang rest day at nag-overtime ang manggagawa, tatanggap pa siya ng dagdag na 30 percent ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw.

Pinayuhan rin ng DOLE ang mga employer na sundin ang nasabing payment scheme bilang pagtupad sa kanilang tungkulin sa kanilang mga empleyado.

Read more...