Nakararaming Pinoy naniniwalang seryoso ang problema sa paglaganap ng fake news – SWS

Naniniwala ang mas nakararaming Pilipino na seryosong problema ang pagkalat ng fake news.

Lumabas sa survey ng Social Weather Stations na 42% ng mga Pilipino o 44 milyong Pilipino ang gumagamit ng Internet araw-araw.

Sa bilang na ito, 67% o 29 milyon ang nagsabing seryosong problema ang paglaganap ng fake news sa Internet. Naniniwala naman ang 13% na hindi ito seryoso habang 20% ang undecided.

Sa kabuuan, mas mababa ang +54 net score nito kaysa +65 score noong December 2017.

Samantala, 60% ng mga Pilipino ang naniniwalang seryosong banta rin ang fake news sa mass media. Hindi naman ito seryoso para sa 13% at 27% anf undecided.

Naniniwala naman ang 61% na seryoso ang gobyerno sa pagsawata ng fake news sa mass media, gaya ng radyo, telebisyon at dyaryo. Walong porsyento naman ang nagsabing hindi seryoso ang gobyerno rito, habang 31% ang undecided.

Isinagawa ng SWS ang survey sa 1,200 adult respondents noong December 8-16 at noong March 23-27 sa pamamagitan ng face-to-face interviews.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...