Raliyista na nahuli ng PNP na nanggulo sa Kawit, Cavite kakasuhan

Mahaharap sa kasong disturbance of peace o paglabag sa article 153 ng Revised Penal Code ang isang raliyista na nambulabog sa kasagsagan ng Anibersaryo ng Kalayaan sa Kawit, Cavite.

Nakilala ang naaresto na si Francis Couichie Rafael, 20 taong gulang at residente ng MH Del Pilar St, Brgy. San Joseph, Biñan, Laguna.

Ayon kay Cavite Provincial Director William Segun, lusot sa freedom of expression ang ginawa ng mga raliyista pero hindi maituturing na lusot sa batas dahil sa kasagsagan ng malaking event nila ginawa ang panggugulo.

Samantala, nakatakas naman ang 9 na iba pang mga raliyisya na aarestuhin din sana ng mga pulis makaraang tumakbo papalayo sa mga arresting officers.

Kanina, nabatid na bago ang pagsisimula ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ay bigla na lang nagsisigaw ang mga raliyista na humalo sa mga taong nagmamasid sa lugar.

Isinigaw nila ng paulit-ulit ang ” “Huwad na Kalayaan, Duterte patalsikin!” kaya hindi agad nakapagsimula ng talumpati ang pangulo.

Dahil tuloy sa pambubulabog ng mga raliyista hindi na nabasa ni Pangulong Duterte ang unang bahagi ng kaniyang talumpati at kaniya na lang itong binalikan kalaunan.


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...