Makasaysayang summit sa pagitan nina Trump at Kim nagsimula na

AP Photo

Naganap na ang makasaysayang summit sa pagitan ni US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un.

Kapwa dumating ang dalawa sa lugar na pagdarausan ng summit at nagkamay nang sila ay magkaharap.

Naunang dumating sa Sentosa Island sa Singapore si Trump bago mag alas 9:00 ng umaga.

At hindi kalaunan dumating naman si Kim sakay ng black armored limousine.

Ito ang kauna-unahan sa kasaysayan na nagpulong ang lider ng Estados Unidos at North Korea.

Base sa plano, tatagal ng isang oras ang pagpupulong at kasama nila ang kani-kanilang translators.

Magkakaroon dun ng working lunch kasama na ang iba pang mga opisyal ng pamahalaan ng US at North Korea.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...