WATCH: Chinese envoy kinausap ni Pangulong Duterte

Kinausap ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese Ambassador the Philippines Zhao Jianhua sa pagdalo sa aktibidad sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite para sa anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Kasunod ito ng ulat na pangha-harass ng mga Chinese sa mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal.

Sa pagdating ng pangulo sa lugar, nakitang kinausap niya si Zhao na kabilang sa mga panauhing pandangal sa aktibidad.

Nakitang nag-uusap ang dalawang opisyal sa bintana ng bahay ni Gen. Emilio Auguinaldo, ilang minuto bago ang pagsisimula ng flag-raising ceremony.

Bago ito, nakita ring kinakausap si Zhao ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Magugunitang noong lunes, iniharap sa press briefing sa Malakanyang ang mga mangingisdang Pinoy na kinukuhanan ng huling isda ng mga Chinese Coast Guard.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...