Heavy rainfall warning nakataas sa apat na lalawigan base sa 8:00AM rainfall advisory ng PAGASA

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa apat na lalawigan na kalapit ng Metro Manila.

Sa 8:00AM rainfall advisory ng PAGASA, yellow warning ang nakataas sa Zambales, Bataan, Cavite, at Batangas.

Ito ay dahil pa rin sa tuloy-tuloy ay malakas na pag-ulan na nararanasan dulot ng Habagat.

Nagbabala ang PAGASA ng posibleng pagbaha sa nasabing mga lugar.

Samantala, inalis na ng PAGASA ang yellow warning sa Metro Manila at sa iba pang mga lalawigan.

Sa ngayon sinabi ng PAGASA na mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na lang at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Rizal at Laguna.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 11:00 ng umaga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...