Arestado rin sa nasabing operasyon ang dalawang katao na sinasabing nagmamay-ari ng mga shabu na tumitimbang ng 50 gramo.
Ang operasyon ay isinagawa ng pimagsanib na pwersa ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Isinailalim muna sa surveillance ang dalawang suspek bago ikinasa ang operasyon.
Nabatid na dati nang nakulong ang mga suspek sa parehong kaso.
Kapwa din sila Itinuturing na high-value targets ng pulisya.
Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.