2 sugatan sa banggaan ng van at kotse sa Pasay City

Dalawa ang nasugatan matapos magsalpukan ang isang van at isang kotse sa kahabaan ng Vicente Sotto Street sa Pasay City.

Ayon sa Pasay City police, ala 1:30 ng madaling araw ng Martes, binabagtas ng kotse na minamaneho ni Jobert Paul Dream Vivar ang nasabing lansangan.

Patawid naman noon sa Jalandoni Street ang van na minamaneho ni Gene Bong Vergara.

Pagsapit sa intersection ay doon na nagkabanggaan ang dalawang sasakyan.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumagilid ang van at nabasag pa ang windshield. Habang wasak naman ang unahang bahagi ng kotse.

Nasugatan sa nasabing aksidente si Vergara at kaniyang pasahero habang hindi naman nasaktan si Vivar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...