Trump at Kim nakapag-relax sa Singapore bago ang makasaysayang summit ngayong araw

Nakapamasyal sa mga tourist area sa Singapore si North Korean Leader Kim Jong Un kagabi bago ang summit nil ani US President Donald Trump ngayong araw.

Nakitang lumabas ng hotel si Kim at sumakay sa kaniyang limousine.

Kabilang sa pinuntahan ni Kim ay ang waterfront park at ang Gardens by the Bay.

Mulan ang maging leader ng North Korea, hindi halos umaalis sa nasabing lugar si Kim mula 2011 maliban lang sa nagdaang pagbisita niya sa China at South Korea kamakailan.

Bantay sarado naman ng mga otoridad ang Marina Bay Sands Hotel at mahigpit ang pagpapatupad ng seguridad.

Nag-post pa ng larawan si Singaopre Minister for Foreign Affairs Vivian Balakrishnan kasama si Kim na mistulang nasa isang tanyag na pasyalan sila sa Singapore.

Samantala, maaga namang ipinagdiwang ang birthday ni President Trump kagabi.

Sa post din sa twitter ni Balakrishnan, makikitang tila kinakantahan ng birthday song si Trump at mayroong cake sa kaniyang harapan.

Sa June 14 ipagdiriwang ni Trump ang kaniyang 72nd birthday.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...