Metro Manila at mga karatig lalawigan patuloy na maaapektuhan ng Habagat

Magdadala ng mga pag-ulan sa kalakhang Maynila at mga kalapit na lalawigan ang umiiral na habagat.

Sa huling abiso ng PAGASA, makararanas ng monsoon rains ang buong Metro Manila at mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Ayon sa weather bureau, posible ang mga pagbaha sa mga mababang lugar, maging ang pagguho ng lupa dulot ng ulan.

Makararanas rin ng pagkidlat sa mga nabanggit na lugar.

Nakataas ang orange rainfall warning sa Metro Manila, Bataan, Cavite, at Rizal.

Habang yellow rainfall warning naman ang nakataas sa Batangas, Laguna, at Zambales.

Asahan ang mahina hanggang sa katamtaman, na paminsan ay may malakas na pag-uulan sa mga probinsya ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, at hilagang bahagi ng Quezon.

Samantala, magdadala ang habagat ng mahina hanggang sa paminsan ay malakas na hangin mula sa direksyong timogkanluran.

Magiging katamtaman hanggang sa malaki naman ang alon na mararanasan sa mga katubigan sa mga nabanggit na lugar.

Read more...