Barangay captain, pinagbabaril ng mga rebelde sa Quezon

Nasawi ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng walong hinihinalang mga rebelde sa Barangay Busokbusok, sa bayan ng San Narciso, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Ruben Aureada Carabido na kasalukuyang barangay captain ng Barangay Binay sa kaparehong bayan.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, walong hindi pa nakikilalang mga salarin na may suot ng itim na tshirt na mayroong logo ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang nasa likod ng pamamaril.

Hindi pa batid ang kalibre ng baril na ginamit sa pamamaril na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Carabido.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.

 

Read more...