Jeepney driver, patay sa pamamaril sa Maynila

Dead on the spot ang isang jeepney driver matapos itong pagbabarilin sa loob ng isang bahay sa Barangay 75, Tondo, Maynila.

Kinilala ang nasawing biktima na si Angelito Samonte.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, kabilang si Samonte sa drugs watchlist at ang lugar kung saan ito pinaslang ay sinasabing isang drug den.

Pinasok umano ng hindi pa nakikilalang salarin ang bahay at doon pinagbabaril ang biktima.

Napag-alaman pa na mayroong dalawang kasama si Samonte sa loob ng bahay ngunit matapos ang pamamaril ay hindi na rin mahagilap ang mga ito.

Kaya naman ayon sa mga pulis, itinuturing nilang persons of interest ang dalawa.

Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang ilang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Read more...