Peace talks, muling ipagpapatuloy sa June 28 sa Olso, Norway

Muling ipapagpapatuloy sa darating na June 28 sa Oslo, Norway ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan ng PIlipinas at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Matatandaang sinuspinde ni Pangulong Duterte ang peace talks matapos ang mga opensiba ng NPA sa militar.

Inaasahan na nasa tatlong mahahalagaang kasunduan ang inaasahang malalagdaan ng dalawang panig.

Isa dito ang ang interim peace agreement na siyang maaring magtatakda ng pinal na resolusyon sa 50 taon ng insurgency sa bansa.

Ang dalawang kasunduan na maaring ring malagdaan ay may kinalaman naman sa coordinated ceasefire at agrarian reform.

 

 

 

 

Read more...