DOH, nanawagan na tutukan ang mga taong nakikitaan ng mga senyales ng depression

Nanawagan ang Department of Health sa publiko na tutukan ang mga taong nakikitaan ng mga sensyales ng depression.

Ito ay kasunod ng suicide ng mga kilalang personalidad na sina Kate Spade at Anthony Bourdain.

Ayon kay DOH Undersecretary Herminigildo Valle, hindi dapat balewalain ang depression para matulungan ang mga taong nakakaranas nito.

Aniya, kinakailangan pa dito sa Pilipinas na pataasin ang awareness ng publiko dito.

Dapat kasi alam ng sinuman ang mga palatandaan ng isang taong nakakaranas ng depression para makatulong dito.

Aabot sa 20 porsiyento ng mga tawag na kanilang natatanggap sa DOH Suicide Hopeline ay may kaugnayan sa depression.

Inilunsad ang naturang hotline noong September ay pawang mula 13 hanggang 29 taong gulang ang mayorya ng tawag dito.

Matatawagan ang nasabing Suicide Hopeline sa mga numerong (02) 8044673, 0917-5584673 or 2919 toll free para sa mga gumagamit ng Globe at TM subscribers.

 

Read more...