Sa pulong balitaan sa Sugar Workers Development Center sa Bacolod City ay inanunsyo ni RTWPB Region 6 Chairman Johnson Cañete na P365 na ang minimum wage kada araw sa rehiyon.
Sa ilalim ng Wage Order No. 24, ang naturang halaga ay ipasasahod sa mga manggagawa na nagtatrabaho sa mga kumpanyang mayroong 10 empleyado pataas.
Habang P295 na ang arawang sahod ng mga manggagawa na nagtatrabaho sa mga kumpanyang mayroon lamang mas mababa sa 10 empleyado.
Para naman sa sektor ng agrikultura, makakatanggap ang mga empleyado ng P295 na sahod kada araw.
Ibig sabihin nadagdagan ng P23.5 hanggang P41.50 ang sahod ng mga manggagawa sa rehiyon.
Ang mga nabanggit na taas sweldo ay mas mababa sa kahilingan ng mga labor groups.
Nakasaad kasi sa petisyon ng mga labor group na itaas ng P130 hanggang P150 ang arawang sahod ng mga manggagawa.
Inaasahang ipatutupad ang naturang wage hike sa rehiyon sa Agosto.
Kinakailangan pa muna kasi itong suriin ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) bago pa dalhin sa Department of Labor and Employment (DOLE) para aprubhan ni DOLEC Secretary Silvestre Bello III.