Sundalo, patay sa engkwentro sa Maguindanao

Nasawi ang isang sundalo matapos makaengkwentro ang isang grupo ng terorista sa General Salipada K. Pendatun, Maguindanao.

Kinilala ang nasawing sundalo na si Private First Class Garry Quitor, 27 taong gulang na residente ng Pigcawayan, North Cotabato.

Ayon kay Lieutenant Colonel Harold Cabunod na siyang commanding officer ng 33rd Infantry Batallion, tinugis ng mga militar ang isang grupo ng mga bandido sa lugar nang maganap ang engkwentro.

Sinasabing kasama sa grupo si Salahuddin Hassan at iba pang mga banyagang jihadist.

Nag-boluntaryo pa aniya si Quitor na maging point man bagaman mapanganib ang naturang operasyon.

 

 

 

Read more...