SRP ng mga de lata, tumaas ngayong buwan

Tumaas ang suggested retail price ng mga de lata ngayong buwan ng hunyo.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Department of Trade and Industry sa hiling ng mga manufacturers na itaas ang SRP ng mga de lata dahil sa mahal na raw materials at labor cost.

Dahil dito ang dating P13.40 na SRP ng 155 gramo ng de latang sardinas noong abril ay P13.90 na ngayon.

Bukod sa de lata, tumaas din ang SRP ng kandila ng P2 hanggang P4.

Pero ayon sa DTI, walang kinalaman sa pagtaas ng SRP ng ilang bilihin ang panahon ng tag-ulan o ang TRAIN law.

Dahil naman dito ay maglalabas ang Department of Agriculture ng bagong SRP sa susunod na linggo.

Read more...