Sa kanyang mensahe sa ika-120 taon ng Araw ng Kalayaan, pinarangalan ng pangulo ang katapangan ng mga bayaning Pinoy na lumaban para sa kalayaan ng bansa.
Ayon kay Duterte, dapat gawing inspirasyon ng mga Pilipino ang mga bayani para magkaroon ng makabuluhan at pangmatagalang pagbabago sa bansa.
Ang pagkakaisa at kabayanihan aniya ng mga bayani at ninunong Pilipino ang dahilan ng pagnanais ng bawat isa na magkaroon ng pagbabago at labanan ang katiwalian, iligal na droga at krimen na nagiging sagabal sa pag-unlad ng bansa.
Nanawagan din ang pangulo sa mga Pilipino na ipagtanggol ang demokrasya habang patuloy na nahaharap ang bansa sa iba’t-ibang problema.