Ulan na bumuhos sa nakaraang 3 araw, lampas sa kalahati ng average rainfall ngayong buwan

Mahigit kalahati ng ulan para sa isang buwan ang bumuhos sa loob lang ng tatlong araw sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Domeng na nagpalakas sa Hanging Habagat.

Ayon sa PAGASA, ang rain fall amount mula June 8 hanggang June 10 sa Quezon City ay lampas sa kalahati ng average rainfall para sa buong buwan ng Hunyo.

Naitala ang 230 millimeters na bumagsak na ulan sa PAGASA Science Garden noong weekend.

Ito ay mahigit sa kalahati ng average ng lungsod na 318 millimeters rainfall para sa buong buwan.

Sa Maynila naman, naitala ang 211 millimeters na ulan mula June 8 hanggang 10 sa bahagi ng Port Area.

Ito ay kulang lang ng 24 millimeters sa 253-millimeter monthly average sa siyudad.

Read more...