Sa kabila ng lakas ng bagyong Lando, zero-casualty ayon sa NDRRMC

mapZero casualty o wala pang naitatalang nasawi sa pananalasa ng bagyong Lando.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Alexander Pama, wala pa silang natatanggap na report ng nasaktan o nasawi sa kabila ng malakas na bagyong Lando.

Ito ayon kay Pama ay dahil sa maagang naipatupad ang forced evacuation lalo na sa nga coastal barangays.

Umaasa si Pama na magtutuloy-tuloy ito hanggang sa makalabas na ang bagyong Lando sa Philippine Area of Responsibility.

Ang target na zero-casualty sa bagyong Lando ay batay na rin sa direktiba ni Pangulong Benigno Aquino III ayon kay Pama.

Read more...