Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, ang 117 na pamilya o 314 na katao ay nananatili ngayon sa labingsiyam evacuation centers sa Isabela at Aurora.
Nauna nang itinaas ang PAGASA ang public storm signal number 4 sa Aurora, habang signal number 3 sa Isabela.
Samantala, apat na kalsada at isang tulay ang hindi na passable o hindi na madaanan dahil sa pagbaha at landslides sa Regions 2, 3, 5 at Cordilleara Administrative Region o CAR.
Kabilang na rito ang:
• Claveria-Calanasan road, Mapalong section sa Apayao;
• Benguet-Nueva Vizcaya Road, Yapas Section sa Benguet;
• Cordon-Aurora Boundary Road, sa Quirino;
• Catanduanes Circumferential Road, Bacon Bridge, sa Catanduanes Nasa 84 thousand pesos na relief assistance naman ang inilaan na sa mga apektadong local government units o LGUs sa Isabela.