Branch ng UCPB sa Katipunan, QC nasunog

Nasunog ang branch ng isang banko sa na nasa Katipunan Avenue, Quezon City Linggo (June 10) ng gabi.

Ayon sa Quezon City Fire Department, alas 10:30 ng gabi nang magsimula ang sunog.

Ang mga barangay tanod sa lugar ang nakapansin na mayroong usok mula sa sa loob ng UCPB .

Nang rumesponde ang mga bumbero kinailangan pang gamitan ng bolt cutter ang ang lock ng bangko para mabuksan ito dahil walang naka-duty na gwardya.

Umabot ng 30-minuto ang sunog kung saan kasama sa mga naabo ay mga computer at mga dokumento.

Ayon kay Insp. Jose Felipe Arreza ng Bureau of Fire Protection, posibleng problema sa linya ng kuryente ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...