Heavy rainfall warning nakataas sa Zambales at Bataan base sa 8:00AM advisory ng PAGASA

Nananatiling nakataas ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan ng Zambales at Bataan.

Sa 8:00AM rainfall advisory ng PAGASA, nananatiling yellow warning ang umiiral sa dalawang lalawigan.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa posibleng pagbaha lalo na sa mabababang lugar.

Samantala, light hanggang moderate na pag-ulan naman ang umiiral sa Metro Manila, Cavite, Batangas, Bulacan, at Pampanga na posibleng tumagal ng hanggang tatlong oras.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...